mga Uri ng "Bullying"
1. Pasalitang pambubulas
Pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao. Kasama rito ang pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw, pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa harap ng maraming tao, at iba pa. Sa nabanggit na pag-aaral ng PLAN Philippines, ang pangungutya at panunukso ang pinakapangunahin sa nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan.
2. Sosyal na pambubulas
Ito ay may layuning sirain ang reputasyong at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kasama rito ang hindi pagtanggap sa isang tao o sadyang pang-iiwan sa kaniya sa maraming pagkakataon, panghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag makipagkaibigan sa isang partikular na indibidwal o pangkat, pagkakalat ng tsismis, pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng nakararami at iba pa.
3. Pisikal na pambubulas
Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari. Kasama rito ang panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot, o ang biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod upag matumba ang nakaupo. Kabilang din dito ang pagkuha at pagsira sa gamit o pagpapakita ng hindi magagandang senyas ng kamay.