If people are trying to bring you down, that only means that you are above them
Bullied
Mga dahilan kung bakit nabubully:
Sexual orientation
Lapitin ka ng mga mambubulas kung nakikitaan ka nila ng pagiging mahina bilang isang lalaki o di kaya sa pagiging astigin mo bilang isang babae.
Physically different
Ang mga dahilan nito ay maaaring pagkakaroon ng kapansanan sa katawan, masyadong mataba o payat, mahina o astigin, masyadong matangkad o bansot, at iba pa.
Anxious and insecure
Ang kawalan ng seguridad sa sarili ay isang palatandaan ng kahinaan. Madali itong nakikita ng mga nambubulas.
quiet and withdrawn
Tahimik lamang at lumalayo sa nakararami.
Dresses up Differently
Halimbawa, kung ikaw ay isang babae, maaaring magiging target ka nila kung masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong pananamit, o di kaya masyado namang mahaba o balot ang katawan o konserbatibo ka.
SHORT-TEMPERED
Matutuwa ang isang nambubulas kung makikitang kagyat ang galit na ipakikita kapag tinutukso o kinukutya. Alam nilang nakaaapekto ang kanilang ginagawa kung kaya matutuwa silang ito ay ulit-ulitin
Low Self-esteem
Maging ang kawalan ng tiwala ay isang napakagandang indikasyon na magiging madali para sa isang mambubulas na maipakita ang kanyang nakahihigit na kapangyarihan. Mas tumataas ang kanilang tiwala sa sarili kung nakikita nilang walang kakayahan ang kanilag binubulas na ipakita ang kaniyang kakayaha at kalakasan.
Inability to defend oneself
Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa kanila.