Mayroon bang mga tao na sumisimangit sa iyo o nagpapakita ng hindi magandang senyales ng kamay?
Mayroon bang nagkalat ng tsismis o nagsabi ng masamang salita tungkol sa iyo?
Madalas ka bang tinutukso ng ibang mga mag-aaral?
Madalas ka bang pinagbubulungan ng ibang mag-aaral?
Hindi ka ba isinasali sa mga laro o gawain o isinasabay sa pagkain?
Iniiwan ka ba ng mga barkada o maraming barkada ang hindi ka nais isali?
Pinagkakatuwaan ka ba ng ibang mag-aaral dahil sa iyong pananamit, buhok, salamin sa mata, o kulay ng balat?
Naranasa mo bang dumaan sa isang "hazing" bago isali sa isang pangkat o samahan?
May nagbabanta ba sa iyo na ikaw ay sasaktan?
Naranasan mo na ba ang maitulak, itaboy, o kaya ay saktan ng ibang mag-aaral?
Ikaw ba ay nambubulas?
Natutuwa ka bang pagtuunan ng pansin ang mga taong mas maliit sa iyo o maging sa mga hayop?
Gusto mo bang manukso o manghamak ng ibang tao?
Kapag nanunukso ka ng ibang tao, natutuwa ka bang makita na sila ay napipikon o nagagalit?
Natutuwa ka ba sa pagkakamali ng ibang tao?
Gusto mo bang isipin ng ibang mag-aaral na ikaw ang pinakamalakas at pinakamatapang sa buong paaralan?
Madalas ka bang galit?
Matagal ba bago mapawi ang iyong galit?
Gustong-gusto mo bang kumuha at sumira ng gawain ng iba?
Isinisisi mo ba sa ibang tao ang mga maling nangyayari sa iyong buhay?
Gusto mo bang gumanti sa mga taong nakasakit sa iyo?
Ano ang bulllying?
Ang "bullying" ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o higit pang biktima sa paaralan. Ito ay nagaganap dahil sa hindi pantay na kapangyarihan o lakas sa pagitan ng mga tao. Ang mga batang "Bully" ay ginagamit ang kaniyang kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang binubulas - pisikal na lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa mga nakahihiyang impormasyon tungkol sa binubulas o kaya naman ay popularidad - upang kontrolin o magdulot ng panganib sa kapwa. Matatawag lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa sa paulit-ulit o may potensyal na maulit sa takdang panahon.
Ang pambubulas ay hindi palaging marahas. Sa katunayan, mas malalim ang sugat na iniiwan ng pambubulas na hindi marahas. Upang mas maging madaling unawain ito ay tatalakayin ang mga uri ng oambubulas.
Sa isinagawang survey ng Plan Philippines noong 2008 sa 2,442 mga bata sa 58 sa pampublikong paaralan sa bansa lumabas na karamihan sa mga karahasan na nararanasa ng mga mag-aaral sa paaralan ay dulot ng kabataan. Ang karahasan sa paaralan ay anumang kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa kapwa mag-aaral o anumang kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa pagdarahas ng tao, pag-aari, droga, armas, o kaguluhan.