BULLIES
Ayong sa isnagawang pag-aaral ni Karin e. Tusinsko (2008) ang dahilan ng pambubulas ng isang tao ay maaaring maugat sa pamaraan ng paglaki ng kanyang mga magulang. Sabi niya sa kanyang pag-aaral, ang isang bata na nambubulas ay:
- Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan na gawin ang lahat ng kanyang gustong gawin at hindi napaaalalahanan lalo na sa mga hindi tamang nagagawa.
- Hindi naramdaman sa kanyang pamilya ang pagmamahal.
- Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya.
- Ginamitan ng pananakit bilang pagdesiplina.
- Nakita ang pagiging marahas ng magulang na magdudulot ng pagkakaroon ng damdamin ng poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan sa pananakit sa iba.
Ito ang lumalabas na pasimula sa pagkakaroon ng kakayahan ng isang mambubulas na makapanakit ng kanilang kapwa. Ang isang mambubulas ay may pagkiling sa mga gawaing masama at nakasasakit ng kapwa at makikita ang kanilang malabis na pagnanais na mangibabaw sa lahat. Ginagamit nila ang pangingibabaw na ito upang maisakatuparan ang kanilang mga ninanais, napasunod nila ang mga batang mas mahina sa kanila. Nakalulugod sa kanila ang maramdaman ang kanilang kapangyarihan at kakayahang kontrolin ang ibang tao. Kumikilos sila ng ganito dahil labis na mataas ang kanilang tiwala sa kanilang sarili (Tusinski 2008). Iniisip nila nararapat lamang para sa kanila ang sundin at katakutan ng iba (entitlement) at kailangang kilalanin bilang pinakamakapangyarihan sa buong paaralan.